
Bukas na ngayong araw ang International Media Center (IMC) para sa mga accredited media na magko-cover ng 48th ASEAN Summit and Related Meetings.
Matatagpuan ito sa Mactan World Museum sa Lapu-Lapu City, Cebu at magsisilbing pangunahing hub para sa lokal at international media.
May nakahandang kumpletong pasilidad, kabilang ang technical at operational support, para matiyak ang mabilis, tumpak, at maayos na coverage ng mga aktibidad ng summit.
May main briefing hall para sa mga opisyal na press conference at secondary briefing room para sa media engagements ng mga delegasyon.
Tinatayang 800 hanggang 1,000 mamamahayag ang inaasahang magko-cover sa kaganapan.
Magtitipon sa summit ang mga lider ng ASEAN, kabilang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa May 7 hanggang May 8.










