Pinalalakas ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang kahandaan ng mga magsasaka para sa nalalapit na taniman matapos makinabang ang 973 magsasaka sa iba’t ibang interbensiyong pang-agrikultura na ipinamahagi ng Municipal Agriculture Office (MAO).
Kabilang sa mga ipinagkaloob ang mga binhi, pataba, at iba pang agricultural inputs na inaasahang makatutulong upang mapataas ang produksyon ng pananim habang nababawasan ang gastusin ng mga magsasaka sa kanilang operasyon.
Inaasahang sa pamamagitan ng ganitong programa ay matitiyak na sapat ang suporta para sa mga magsasaka upang mapanatili ang mataas na antas ng produksyon at makatulong sa pagpapatatag ng suplay ng pagkain sa bayan.
Binigyang-diin ng pamahalaang lokal ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa seguridad sa pagkain at tiniyak ang pagpapatuloy ng mga programang magpapalakas sa kanilang kabuhayan at magbibigay ng mas magandang oportunidad sa sektor ng agrikultura sa San Nicolas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








