Halos 20,000 katao ang nakiisa sa Run for S.A.F.E 2026 sa Dagupan City kahapon, Abril 25, bilang suporta sa mental health awareness at mas ligtas na komunidad.
Tumakbo ang mga kalahok sa 3K, 5K, at 10K routes, sa kahabaan ng New De Venecia Highway, Dagupan City.
Bahagi ito ng Bangus Festival 2026 at layong palakasin ang kampanya para sa kalusugang pangkaisipan at proteksyon laban sa pang-aabuso.
Naging Panauhing pandangal si Senadora Risa Hontiveros na nagsabing mahalagang pag-usapan ang mental health at wakasan ang stigma.
Ayon naman kay Mayor Belen Fernandez, ang fun run ay paninindigan na ang kaligtasan ay karapatan ng bawat mamamayan.
Dinaluhan din ito ng ibat ibang opisyal at sektor mula sa pamahalaan at komunidad.
Ipinakita ng aktibidad ang pagkakaisa ng mga Dagupeño sa pagsusulong ng isang ligtas at maalagaing komunidad, na may mensaheng, hindi ka nag-iisa.
Facebook Comments







