HALOS 700 ESTUDYANTE, NABIGYAN NG ALLOWANCE

18
Hindi bababa sa 700 na BRO-Ed scholars ang matagumpay na nabigyan ng allowance mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa bayan ng Naguilian, Isabela.

Pinangunahan ni Isabela Governor Rodito Albano III ang pamimigay ng allowance sa mga scholars ganun din ang pamamahagi ng livelihood assistance sa 62 na Tobacco farmers.

Sa mensahe ni Governor Albano III, hinikayat nito ang mga BRO-Ed scholars na mag-aral nang mabuti at tiyaking makapagtapos ng pag-aaral.

Ayon pa sa Gobernador, makakatanggap pa sa susunod na taon ng karagdagang tulong pangkabuhayan mula sa tobacco excise tax ang mga magsasaka ng tabako sa nasabing bayan.

Samantala, nagpapasalamat naman si Mayor Juan Capuchino sa patuloy na pagbibigay suporta at tulong ng Gobernador lalo na sa hanay ng mga mag-aaral at magsasaka kung saan hindi na rin nila kailangang magtungo pa sa Kapitolyo para sa kanilang pangangailangan.

Facebook Comments