MAYOR NABUDOL NG 100,000 NG ISANG NAGPANGGAP UMANONG PULIS

Kinondena ng Police Regional Office 1 ang isang insidente ng pambubudol sa Mayor ng Sta. Maria Ilocos Sur na nagpanggap na pulis.
Sa inilabas na pahayag ng PRO1, P100, 000 ang naitakbo ng isang kawatan kay Mayor Boy Camarillo Jr. na nagpanggap na PNP Officer.
Hindi umano pinapayagan ng organisasyon ang anumang pinansyal na solicitation sa kahit na sinong indibidwal dahil ito ay kasama sa ethics at code of conduct bilang isang empleyado ng gobyerno.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP katuwang ang PNP Cybercrime Group upang maaresto ang nasa likod ng krimen.
Paalala ng PRO1, huwag basta-basta maniniwala sa mga natatanggap na tawag at mensahe sa mga hindi kilalang numero.
Dagdag nito,mas mainam na ipaalam o itawag sa mismong tao o pangalan na binanggit upang maiwasan ang modus. | ifmnews
Facebook Comments