Halos 7-M na bagong registered voters sa Eleksyon 2022, naitala ng COMELEC

99

Nakapagtala ang Commission on Elections (COMELEC) ng halos 7 million na bagong botante para sa May 2022 Elections.

Ayon kay Commissioner George Garcia, umabot sa 6,950,449 ang mga bagong registered voters at hindi pa kasama rito ang 1,520,500 ang mga Sangguniang Kabataan na dating nasa edad 15 hanggang 17.

Sa kabuuan ay nakapagtala ang komisyon ng 65.8 million na registered voter para sa darating na halalan.


Samantala, kinumpirma rin ng COMELEC na umabot sa 892,627 ang kabuuang bilang ng mga botante na nagparehistro ng dalawa o higit pa sa magkakaibang lugar.

Sinabi ni Garcia na maaaring hindi sinasadya ng ilang botante ang makapagparehistro ng ilang ulit ngunit iimbestigahan pa rin ng COMELEC ang naturang insidente.

Facebook Comments