Monday, August 3, 2026

Mga electric companies, kinalampag sa pagpapatupad ng kanilang social responsbility sa pag-ako ng system loss

Kinalampag ni Senator Erwin Tulfo ang mga kompanya ng kuryente na makipagtulungan sa pag-alis ng singil sa system loss sa mga electric bills.

Hinahanapan ni Tulfo ng konsepto ng social responsibility ang mga kompanya dahil ang komunidad na ang nalulubog sa utang at kahirapan habang ang mga ito ay kumikita ng bilyon-bilyong tubo dahil pinipiga nang husto ang mga consumers.

Hindi aniya makatarungan na ang mga mamamayan ang papasan sa system loss dahil ang mga kompanya ng kuryente ang dapat na managot sa sarili nilang mga lugi.

Giit ni Tulfo, ang mga distributor at generation companies ay mayroong social responsibility kaya pakiusap ng senador na makisama naman at huwag puro kabig.

Binigyang-diin pa ng senador na ang 25 taong gulang na Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA) ay nangangailangan na nang agarang amyenda upang matupad ang pangunahing layunin nitong makapagbigay ng murang kuryente sa mga Pilipino.

Facebook Comments