SECOND LIFE | Jessy Mendiola, thankful matapos makaligtas sa isang aksidente

116

Manila, Philippines – Thankful ngayon ang aktres na si Jessy Mendiola matapos na makaligtas sa aksidente.

Say ni Jessy, inakala niyang mamatay na ito ng bumangga sa concrete barrier ang sinasakyan nitong van.

Mas lalo pa siyang natakot dahil nakaupo siya mismo kung saan bumangga ang parte ng kaniyang sasakyan.

Hindi naman na nito ibinahagi pa ang ibang detalye ng naganap na aksidente pero pinasalamatan na lamang daw niya ang nasa itaas sa pagbibigay sa kaniya ng second life.

Nagbigay na lamang ng payo si Jessy sa mga drivers na nagmamaneho ng mahabang oras na magpahinga para mailayo sa aksidente ang mga sakay nitong pasahero.

Facebook Comments