Sumailalim sa pagsasanay noong Mayo 20 ang mga may-ari ng punerarya, gasolinahan, pribadong clinics at junkshops sa Pozorrubio matapos tukuyin ang mga establisimyento bilang posibleng pinagmumulan ng hazardous waste at polusyon.
Kabilang sa mga tinalakay sa seminar ang wastong segregation ng basura, pagpapatupad ng 5Rs, at tamang disposal ng hazardous waste upang maiwasan ang kontaminasyon at iba pang panganib sa kalusugan at kapaligiran.
Ipinaliwanag din sa mga kalahok ang mga probisyon ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at Republic Act 6969 o Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1990.
Pinangunahan ang pagsasanay ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau Region I katuwang ang pamahalaang bayan at mga itinalagang Pollution Control Officers sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







