LIBRENG CERVICAL CANCER SCREENING AT BREAST EXAM, ISASAGAWA SA URDANETA NGAYONG CERVICAL CANCER AWARENESS MONTH

Magsasagawa ng libreng cervical cancer screening at breast examination para sa mga kababaihan sa Urdaneta City sa Mayo 26, 2026 bilang bahagi ng paggunita sa Cervical Cancer Awareness Month.

Ayon sa anunsyo, tampok sa aktibidad ang cervical cancer screening sa pamamagitan ng Visual Inspection with Acetic Acid (VIA) at breast examination upang makatulong sa maagang pagtuklas at pag-iwas sa sakit.

Maaaring magpatingin ang mga kababaihang edad 25 hanggang 65 taong gulang na hindi buntis, walang regla sa araw ng screening, at walang sexual contact isang araw bago ang pagsusuri.

Gaganapin ang aktibidad mula alas-8 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon sa Balikbayan Hall, 3rd Floor ng Urdaneta City Cultural and Sports Center sa Pangasinan.

Hinimok ang mga kwalipikadong kababaihan na samantalahin ang libreng serbisyong medikal bilang bahagi ng kampanya laban sa cervical cancer. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments