Makikinabang ang 50 estudyante sa Dagupan City sa Special Program for the Employment of Students o SPES bilang bahagi ng job opportunity na inilaan para sa kabataan.
Isasagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment o DOLE sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO Dagupan.
Sa ilalim ng SPES, magkakaroon ang mga estudyante ng pagkakataong makakuha ng unang karanasan sa trabaho sa loob ng dalawampung araw habang tinutulungan silang mapalawak ang kanilang kasanayan.
Makakatanggap ang bawat benepisyaryo ng kabuuang sahod na ₱12,142, kung saan 60 porsyento ay mula sa lokal na pamahalaan at 40 porsyento naman ay mula sa DOLE, na magagamit nila sa kanilang pag-aaral sa susunod na semestre. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






