Healthcare workers, magkakasa ng mas malaking kilos-protesta bukas

94

Umapela ang healthcare workers ng San Lazaro Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center sa mga mambabatas na bigyang prayoridad ang sektor ng kalusugan.

Ito ay sa pamamagitan ng paglalaan ng mas malaking budget sa health sector.

Ang apela ng grupo ay kasunod ng 2023 Department of Health (DOH) proposed national budget, kung saan zero ang budget para sa capital outlay ng mga nabanggit na ospital.


Nangangahulugan anila ito na walang magiging karagdagang pasilidad o kagamitan na mabibili ang San Lazaro Hospital at Jose Reyes Memorial Medical Center sa susunod na taon.

Bukas, magsasagawa ng malaking kilos-protesta ang health workers sa harap ng tanggapan ng DOH, para ipanawagan ang kaligtasan, proteksyon, karapatan at kalidad ng kalusugan ng mga healthworkers at ng mga Pilipino.

Facebook Comments