
Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbestigasyon ng umano’y substandard na bollard sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na dapat sana’y pipigil sa pagragasa ng sasakyan, at poprotekta sa mga tao na nasa naturang terminal.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kabilang sa mga sisilipin ay ang nangyaring procurement at specifications ng bollard.
Paglilinaw ni Castro, ikinabit sa entrada ng departure area ang mga bollards noong July 2019 sa ilalim ng Duterte administration.
Bukod dito, ipinag-utos ng pangulo na inspeksyunin ang iba pang bollards sa paliparan.
Agad na rin aniya pinapalitan ang mga nasirang bollards para maprotektahan ang mga pasahero sa NAIA.
Facebook Comments