SUNDALO, PATAY SA ENGKWENTRO LABAN SA KOMUNISTANG GRUPO

Patay ang isang sundalo habang sugatan naman ang isa pang kasama nito sa engkwentro laban sa miyembro ng mga Communist New People’s Army Terrorist (CNT) sa Brgy. Rio Chico, Gen. Tinio, Nueva Ecija kahapon, Setyembre 1, 2022.

Kinilala ang nasawi na si Private Jaylord Hipolito habang ang sugatan naman ay kinilalang si Private First Class Francis Lictawa na pawang mga miyemro ng 84th Infantry (Victorious) Battalion.

Nangyari ang insidente kasunod ng isinagawang combat operation sa lugar nang makasagupa ang mga miyembro ng CNT.

Samantala, pinaniniwalan na may sugatan din ang grupo ng mga rebelde.

Nagpaabot naman ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng nasawing sundalo si Lieutenant Colonel Enrico Gil C Ileto, Commanding Officer ng 84IB.

Facebook Comments