Higit 17-K bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

85

Halos dumoble ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Batay sa Department of Health (DOH), 17,220 ang naitalang bagong kaso ngayong araw na higit na mas mataas kumapara sa 10,775 na kaso kahapon.

Dahil dito, pumalo na sa 2,888,917 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit kung saan 56,561 ang aktibong kaso.


Nasa 81 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 51,743 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Nadagdagan naman ng 616 ang mga gumaling kaya sumampa na sa 2,780, 613 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 4, 2022 habang mayroong 11 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).



Facebook Comments