Quezon City, nangunguna na muli sa mga LGU na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

508

Nangunguna na muli ang Quezon City sa mga Local Government Unit na may pinakamaraming naitatalang kaso ng COVID-19.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nakapagtala ang Quezon City ng 1,781 na bagong kaso ng COVID-19.

Mas mataas ito sa naitala ng lungsod ng Maynila na 1,407 na bagong kaso.


Maliban sa QC at Maynila, labing tatlong LGUs pa sa Metro Manila ang kasama sa top 20 ng mga LGU sa Pilipinas na nakakapagtala ng matataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments