Pinalakas ng Philippine Heart Association (PHA) ang kampanya laban sa heart failure sa pamamagitan ng North Luzon Heart Failure Caravan.
Ayon sa PHA, apektado ang tinatayang 64 milyong tao sa buong mundo, at 10.4 porsiyento ng populasyon sa Pilipinas ang may ganitong karamdaman.
Tinaguriang “silent pandemic” ang heart failure dahil unti-unti itong umuunlad at madalas napagkakamalang simpleng pagkapagod.
Kabilang sa mga sintomas ang hirap sa paghinga, pamamaga ng paa at binti, biglaang pagdagdag ng timbang, paulit-ulit na ubo, at hindi regular na tibok ng puso.
Sa pangunguna ni Dr. Abegail Diaz-Vinluan, makikipagtulungan ang PHA sa mga pampublikong ospital at LGU para maabot ang mga grassroots communities.
Samantala, ayon kay Dr. Erlyn Demerre, Chair ng PHA Council on Heart Failure, layon din ng programa na hikayatin ang kabataan na kumuha ng kursong healthcare.
Tiniyak ni Dr. Orlando Bugarin na sapat ang pasilidad at gamot sa Pangasinan para sa mga pasyente. Hinikayat ang publiko na huwag balewalain ang sintomas at agad kumonsulta sa doktor.
Sa tulong ng 14 na Task Force Heads at 10 Action Committees, umaasa ang organisasyon na mababawasan ang mga kaso ng heart failure sa bansa at mas marami pang komunidad ang maaabot ng mga programang pangkalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments