
Hinimok ng Bureau of Corrections o BuCor at ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA ang National Economic Development Authority o NEDA upang isama sa Luzon Economic Growth Area ang probinsiya ng Region 4-B o MIMAROPA kung saan naroon ang Iwahog at Sablayan Prisons and Penal Farms.
Nagsanib-pwersa ang BuCor at PEZA sa pamamagitan ng isang memorandum of agreement upang mag taguyod ng economic zone sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa Palawan.
Sinabe ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang na kabilang sa mga plano ang pagbuo ng aerotropolis kung saan ang siyudad ay nakapalibot sa isang bagong airport na doble pa ang laki sa NAIA at kayang mag-facilitate ng international flights sa Palawan.
Ang 2,191.02 na ektaryang lupain ng BuCor na balak gawing economic zone ay makapagbibigay ng maraming trabaho, lalo na sa rural areas, sa local communities maging sa mga persons deprived of liberty o PDL.