
Katuwang ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Jobstreet PH sa isang career con na may job fair at career summit.
Ang nasabing career con ay isinasagawa sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ito ang unang malaking job fair ng Jobstreet at DOLE sa taong ito.
Mahigit 100 local employers at anim na overseas companies ang naka-antabay para sa mga aplikante mula sa iba’t ibang industriya ng finance, shipping and logistics, food and beverage, retail, Business Process Outsourcing (BPO), at marami pang iba.
Nakaalalay rin ang Jobstreet sa mga aplikante para sa pagbuo ng kanilang resume o applications sa pamamagitan ng kanilang resume clinic, kung saan libre ang photobooth para sa kanilang resume photos, pati na rin ang soft at hard copy ng kanilang resume ay maaaring ma-access sa mismong event.
Kaakibat dito, ang DOLE-NCR ay mayroong one-stop-shop para alalayan ang mga jobseeker sa kanilang mga requirement kabilang dito ang:
• Social Security System (SSS);
• Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth);
• Pag-IBIG Fund;
• National Bureau of Investigation (NBI);
• Technical Education and Skills Development Authority (TESDA);
• Philippine Statistics Authority (PSA); at
• Pocket Rocket Advertising Incorporated.
Magtatagal ang job fair na ito ng alas-6 ng gabi ngayong araw, at bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.
Maaaring mag-walk-in o kaya ay magpre-register sa Job street para sa mas mabilis na paraan ng pagpasok sa ginaganap na Jobstreet Career Con.