Malaking bahagi ng Southern Leyte, wala pa ring kuryente

71

Nasa 20% pa lamang ng mga lugar sa Southern Leyte ang mayroon ng kuryente.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Southern Leyte Governor Damian Mercado na matagal-tagal pang panahon bago tuluyang maibalik ang power supply sa kanilang lugar.

Ani Mercado, malaki kasi ang pinsala ng nagdaang Bagyong Odette sa power lines sa kanilang lugar.


Pagdating naman sa linya ng telekomunikasyon, hindi pa rin fully restored ang mga signal ng telepono, maging ng internet.

Samantala, tuloy-tuloy naman aniya ang pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong residente.

Facebook Comments