Monday, August 3, 2026

PAGPILI NG MGA BENEPISYARYO NG RICE ASSISTANCE SA ISANG BARANGAY SA SAN FABIAN, BINIGYANG LINAW

PAGPILI NG MGA BENEPISYARYO NG RICE ASSISTANCE SA ISANG BARANGAY SA SAN FABIAN, BINIGYANG LINAW

Naglabas ng paunawa ang Pamahalaang Barangay ng Cabaruan sa San Fabian upang ipaliwanag ang naging proseso sa pagpili ng mga benepisyaryo ng rice assistance, kasunod ng mga katanungan mula sa ilang residenteng hindi umano nakatanggap ng tulong.

Ayon sa barangay, ang listahan ng mga benepisyaryo na isinumite sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ay nagmula sa mga pangulo o kinatawan ng bawat samahan sa barangay.

Dahil dito, hinikayat ang mga residenteng may katanungan o nais maghain ng reklamo na makipag-ugnayan muna sa kanilang association president o kinatawan para sa kaukulang paglilinaw.

Nilinaw rin ng barangay na ang mga opisyal at kawani nito ay tumulong sa aktuwal na pamamahagi ng ayuda upang matiyak na maayos at mabilis na naihatid ang mga sako ng bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sa huli, nanawagan ang Pamahalaang Barangay ng Cabaruan sa publiko na pairalin ang pag-unawa at sundin ang tamang proseso sa paghahain ng mga katanungan o reklamo upang mapanatili ang maayos na koordinasyon at pagkakaisa sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments