Higit 700,00 indibidwal, naitala ng MPD na nakibahagi sa Chinese New Year sa Binondo

Inihayag ng Manila Police Disitrict (MPD) na umabot sa higit o halos 740,000 ang naitala nilang bilang ng indibidwal na nakibahagi sa mga aktibidad at selebrasyon ng Chinese New Year sa Binondo.

Sa datos na ibinahagi ni MPD PIP Chief Major Philipp Ines, nasa higit o halos 600,000 ang Crowd Estimate sa Binondo mula umaga ng January 21, 2023 hanggang kinagabihan.

Nasa higit o halos 120,000 na indibidwal ang nakiisa sa Fireworks Display sa Binondo habang higit o halos 5,000 rin ang nagpunta sa Jones Bridge sa kasagsagan ng Fireworks Display.


Umaabot naman sa 15,000 ang nagtungo ngayong araw sa Binondo sa kasagsagan ng Chinese New year.

Sa kabila nito, patuloy na naka-alerto ang MPD upang masiguro na mananatili ang kaayusan at kapayapaan sa nasabing okasyon.

Mahigpit pa rin na seguridad ang kanilang ipapatupad para walang makalusot na indibidwal o grupo na nais manggulo sa gitna ng selebrasyon ng Chinese New Year.

Facebook Comments