Ilang miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District, sumalang sa surprise random drug test

Isinailalim sa surprise random drug test ang nasa higit 300 miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (SPD).

Ayon kay SPD Director P/Brig. General Kirby John Kraft, isinalang niya ang nasa 339 na tauhan ng drug enforcement unit matapos ang random drug test sa halos 100 sub-station commander at mga deputy.

Kabilang ang mga sub-station commander at mga deputy sa pitong himpilan na nasa ilalim ng SPD.


Kabilang naman o nakatalaga ang mga pulis na panibagong isinalang sa drug test sa station at district drug enforcement unit.

Umaasa si Kraft na magiging negatibo ang resulta ng mga nabanggit na tauhan sa drug test upang masiguro na malinis sa anumang ipinagbabawal na gamot ang kanilang hanay.

Facebook Comments