Higit 7K na trabaho, iaalok ng Makati LGU katuwang ang DZXL Radyo Trabaho sa ikakasang job fair ngayong araw

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng Job Fair kasama ng DZXL Radyo Trabaho ngayong araw bilang pagdiriwang sa ika-353 Founding Anniversary ng lungsod sa Ayala Malls Circuit mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang nasabing job fair ay mag-aalok ng pitong libo’t apat na raang (7,400) bakanteng trabaho mula sa 52 kompanya mula sa iba’t ibang industriya upang tugunan ang kawalan ng trabaho at suportahan ang paglago ng lungsod.

Ang mga bakanteng trabaho ay tulad ng finance, information technology, hospitality, retail, healthcare, customer service, engineering, at marami pang iba.


Samantala, hinihikayat ang mga jobseeker na magparehistro upang masiguro na maging maayos ang karanasan ng mga jobseeker at employer.

Nagpaalala ang lungsod na magdala ng kanilang updated resume, valid ID, at iba pang dokumentong magpapabilis sa hiring process ng mga employer.

Facebook Comments