Higit 80 kandidato sa BSKE, nagpaliwanag na sa COMELEC

Nakatanggap na ang Commission on Elections o COMELEC ng paliwanag mula sa 81 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na naisyuhan ng show cause order.

Ito ang pahayag ni COMELEC Chairman George Garcia na una nang nagbanta na mapaparusahan at madidiskuwalipika ang mga kandidatong mang-iisnab sa show cause order at mapapatunayang lumabag sa Omnibus Election Code.

Samantala, umabot na sa 998 ang naisyuhan ng COMELEC ng show cause order hanggang kahapon.


Sinabi pa ni Garcia na hindi titigil ang kanilang hanay sa pag-iimbestiga at paghingi ng paliwanag ng mga kandidato na lumalabag sa batas pang eleksyon.

Pangunahin na dito ang mga sangkot sa maagang pangampanya kasabay ng pagbabantay rin sa mga posibleng masasangkot sa pagbebenta at pamimili ng boto.

Facebook Comments