Bilang bahagi ng paghahanda para sa proyekto, nagsagawa ng site validation ang mga kinatawan ng BSWM at CR Domingo Construction Inc. upang suriin ang lokasyon kung saan itatayo ang pasilidad.
Kabilang sa kanilang sinuri ang accessibility ng lugar, lokasyon ng balon, lawak ng mga sakahang masasaklaw, at iba pang teknikal na pangangailangan ng proyekto.
Bago ang validation, nagsagawa rin ng courtesy call ang grupo kay Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad upang talakayin ang mga benepisyong inaasahang maidudulot ng proyekto at ang kinakailangang koordinasyon ng mga tanggapan para sa maayos na implementasyon nito.
Kapag natuloy ang proyekto, inaasahang mababawasan ang gastusin ng mga magsasaka sa pagpapatubig habang mapapataas naman ang kanilang produksyon dahil sa mas maaasahang suplay ng tubig para sa kanilang mga pananim.
Ayon sa mga kinauukulan, mahalagang hakbang ang isinagawang site validation upang matiyak na ang proyekto ay naaayon sa mga teknikal na pamantayan bago ito tuluyang ipatupad. Inaasahan ding magbibigay ito ng pangmatagalang suporta sa sektor ng agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka sa Barangay San Gabriel 2nd. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










