PANGASINAN, GINAWANG SHOWCASE PROVINCE SA HEALTHY LEARNING INSTITUTION PROGRAM

Kinilala ang Pangasinan bilang isang showcase province ng Department of Health (DOH) matapos ang tuloy-tuloy at matagumpay nitong pagpapatupad ng Healthy Learning Institution (HLI) initiatives mula pa noong 2024.

‎Dahil dito, nagsagawa ang Ilocos Center for Health Development (CHD), sa pamamagitan ng Health Promotion Unit at katuwang ang Health Promotion Bureau, ng HLI Site Visits sa lalawigan mula June 15 hanggang 18, 2026 upang makita at maidokumento ang mga pinakamahusay na praktis ng mga piling paaralan.

‎Kabilang sa mga binisita ng grupo ang Siapar Integrated School, Awag Integrated School sa bayan ng Anda, at Jose N. Juguilon Elementary School sa San Fabian.

‎Ipinakita ng mga paaralang ito ang kanilang mga programa at polisiya na nagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani.

‎Nakipagpulong din ang mga kinatawan ng DOH sa mga school head, guro, at iba pang katuwang upang makakalap ng mahahalagang pananaw sa pagsasama ng mga programang pangkalusugan sa mga polisiya at gawain ng mga paaralan.

‎Ipinakita din ng mga paaralang binisita ang kanilang matibay na pangako sa paglikha ng ligtas, suportado, at health-promoting na kapaligiran sa pag-aaral, na siyang huwaran para sa pagpapatupad ng Healthy Learning Institution Program sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments