Higit P6 taas-presyo sa diesel at kerosene, sasalubong sa mga motorista bukas

146

Sasalubungin ng bigtime oil price hike ang mga motorista bukas, August 30.

Epektibo alas-6:00 umaga, magpapatupad ang Pilipinas Shell at Seaoil ng P6.10 na taas-presyo sa kada litro ng diesel at kerosene habang P1.40 naman sa gasolina.

Kaparehong oil price adjustment din ang ipatutupad ng Cleanfuel, maliban sa kerosene, epektibo alas-8:01 ng umaga bukas.


Ito na ang ikalawang sunod na linggong magkakaroon ng pagsipa sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Una nang sinabi ng Department of Energy na ang panibagong oil price increase ay bunsod ng pagtaas ng demand sa langis ng Amerika at Europa dahil sa pagsisimula ng taglamig.

Facebook Comments