HIGIT PITUMPONG MAHIHIRAP NADAGUPENO, TUMANGGAP NG MEDICAL AT BURIAL ASSISTANCE  

Umabot sa 79 na mahihirap na Dagupeño ang tumanggap ng medical at burial assistance sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Isinagawa ang payout noong Huwebes, Hulyo 2, sa City Plaza na pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), CMO – Social Service Unit, at City Treasurer’s Office.

Kasabay ng pamamahagi ng tulong pinansyal, nagsagawa rin ang City Health Office ng libreng check-up at registration para sa YAKAP at GAMOT Program ng PhilHealth, na naglalayong magbigay ng access sa gamot na nagkakahalaga ng hanggang ₱20,000 para sa mga sakit tulad ng high blood, diabetes, hika, sakit sa puso, at iba pang chronic illnesses.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na hindi lamang magbigay ng agarang tulong pinansyal kundi tiyakin din ang patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng mga benepisyaryo.

Samantala, binigyang-diin din ng pamahalaang lungsod ang kahalagahan ng pagbibigay ng kamalayan sa mga isyung may kinalaman sa paggamit ng Pisonet, bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa proteksyon ng mga kabataan laban sa anumang uri ng krimen o pang-aabuso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments