Magiging opisyal na venue ang bayan ng San Fabian bilang isa sa mga opisyal na venue ng Governor Ramon V. Guico III’s Inter-Town Volleyball Tournament 2026, na magtatampok sa mga koponang kalahok mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Pangasinan.
Ngayong buwan ng Hulyo hanggang Oktubre 2026, tuwing weekend, magaganap ang torneo kung saan ang De Venecia Sports and Civic Center sa San Fabian ang magsisilbing opisyal na playing venue ng mga laban.
Sa kasalukuyan ay puspusan na ang paghahanda para sa pagbubukas ng paligsahan sa mga naturang venue.
Kabilang na ang paglalagay ng Taraflex flooring, isang professional-grade volleyball playing surface na karaniwang ginagamit sa mga malalaking kompetisyon.
Inaanyayahan naman ang publiko na suportahan ang Governor Guico III’s Inter-Town Volleyball Tournament 2026, na opisyal na magbubukas, bukas, Hulyo 4, 2026 sa De Venecia Sports and Civic Center sa San Fabian, Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








