HINDI PA PINAL │Malakanyang, kumambyo sa pagbabalik ng anti-drug operations sa PNP

Manila, Philippines – Nilinaw ng Malakanyang na hindi pa pinal ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa PNP ang pangunguna sa kampanya kontra iligal na droga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi pa tuluyang nakakapag-pasya ang pangulo bagamat ikinukunsidera aniya ito ng Chief Executive.

Nilinaw naman ni Roque na ano man ang maging pinal na desisyon dito ng Pangulong Duterte ay prerogative at may absolute discretion dito ang Presidente.


Idinagdag ni Roque na mas mabuting bigyan na lang ng panahon ang Pangulo para mapag-aralan ito ng mabuti.

Facebook Comments