
Sang-ayon si House prosecution panel member at Manila Rep. Joel Chua sa sinabi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na hindi ito makikiaalam sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa pananaw ni Chua, ay mas maganda na hayaan na lang ang Palasyo na gampanan ang kanilang tungkulin bilang Ehekutibo sabay diin na marami ring dapat tutukan ang ating pangulo.
Paliwanag ni Chua, ang impeachment trial ay bahagi ng mandato o tungkulin na iniatas ng konstitusyon sa Senado at Kamara.
Facebook Comments