
Irerekomenda ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Hold Departure Order o HDO para sa dating Ateneo Coach na si Tab Baldwin pagkatapos ng pagsasampa ng kaso sa kanya.
Nabatid na nasa ilalim na rin ng Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO ang nasabing dating coach.
Ayon kay SILG Jonvic Remulla, nirekomenda nya kay Baldwin na huwag itong umalis ng bansa kung saan sinagot naman ito ng nasabing coach na wala itong planong pumunta kung saan.
Kaugnay nito, ayon sa ulat ng CIDG nakaplano ang isinagawang sea water training sa mga players at may buong kaalaman ang nasabing dating coach sa high tide condition sa lugar na pinagsanayan ng mga ito.
Sa ngayon si Tab Baldwin ay isa sa mga 11 mga indibidwal na nirekomenda Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na masampahan ng reklamong Anti-hazing Act kaugnay ng pagkakasawi ng dalawang basketball players sa Aurora.










