HOLIDAY | DFA, nag-abiso sa publiko hinggil sa closure ng kanilang tanggapan sa ilang petsa sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Inabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of Consular Affairs (OCA) ang publiko kaugnay ng schedule ng closure ng Consular Offices para sa national holidays at local holidays sa susunod na buwan ng Hunyo.

Sarado ang lahat ng Consular Offices sa mga petsang deklaradong National Holiday tulad ng June 12, 2018 (Martes) Independence Day.

Sarado naman ang ilang Consular Offices sa mga lalawigan na deklaradong Local Holiday tulad ng June 20, Wednesday, Lipa Foundation Day, sarado ang Lipa Consular Office.


June 23, Saturday, sarado ang Puerto Princesa Consular Office, dahil foundation ng first civil government ng lalawigan ng Palawan matapos ang American-Philippine War.

June 29, Friday, St. Peter and Paul Festival‪- sarado ang Calasiao Consular Office.

Sarado rin sa nabanggit na petsa ang Tuguegarao Consular Office dahil sa Aggao Nac Cagayan Festival.

‪June 30, Saturday, Fiesta ng Tacloban – sarado ang Tacloban Consular Office.

Nilinaw din ng DFA na walang passport online appointment slots na naka-schedule sa mga nabanggit na mga petsa.

Facebook Comments