Friday, October 9, 2026

Bilang mga pulis na sinuspinde sa serbisyo, pumalo ng higit 50 sa nagpapatuloy na internal cleansing ng NCRPO

Umaabot sa 57 pulis mula sa Metro Manila ang nasuspindi sa trabaho bunsod ng mas pinalakas na internal cleansing ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito mula August hanggang October 2026 kasabay ng pag-upo ni NCRPO Officer in Charge PBGen. Christopher Abrahano.

Bukod sa nasabing suspendidong mga pulis, nasa 13 ang tuluyang na-dismiss sa serbisyo.

Sa nasabing bilang ng mga nadismiss na pulis, ilan sa kanila ay naharap sa kaso o reklamo tulad ng Absence Without Official Leave (AWOL), paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, paglabag sa Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act, estafa, at iba pa.

Ang 57 suspendidong pulis ay nahaharaoa naman sa reklamong unlawful arrest, discharge of firearms, dishonesty, negligence gayundin ang mga paglanag sa police rules and regulations.

Sa naging pahayag ni PBGen. Abrahano, ang naturang hakbang ng NCRPO ay himndi lamang para ipakita na nadidisplina ang mga pulos sa Metro Manila jungdi paraan rin para masiguro na bawat pulis ay nagagawa ng tama ang kanilang tungkulo at napapanatili ang tiwala ng publiko.

Facebook Comments