Wednesday, November 25, 2026

House Prosecution, hinikayat si VP Duterte na isauli na ang ₱73-M na bahagi ng ginastos nitong confidential funds

Ikinalugod ng House Prosecution Panel ang pagbasura ng Commssion on Audit (COA) sa motion for reconsideration o apela ng kampo ni Vice President Sara Duterte hinggil sa mahigit ₱73.2 million na pinapasauli sa kanya at sa iba pang opisyal ng Office of the Vice President (OVP).

Ang nabanggit na salapi ay bahagi ng confidential funds ng OVP na ginastos sa loob ng 11 araw o mula December 21 hanggang 31, 2022.

Panawagan nina House Prosecutors Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon at Atty. Lorna Kapunan kay VP Sara, ibalik na ang nabanggit na pondo dahil yun ay para sa taumbayan.

Binanggit din ni Kapunan na ito ay maituturing na tagumpay ng mga opisyal ng gobyerno na puspusang nagtrabaho para busisiin ang maling paggamit ni VP Sara sa confidential funds.

Sabi naman ni House Prosecutor at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila De Lima, ang pinal na pasya ng COA ay nagpapatibay maling paggamit ng confidential funds ng OVP sa pamumuno ni VP Sara.

Facebook Comments