
Nakapagsumite na kaninang umaga ang House Prosecution Panel ng manifestation kaugnay sa naging tugon ni Vice Pres. Sara Duterte sa impeachment case laban sa kanya.
Pasado alas onse kanina nang dumating sa Senado si House Secretary General Cheloy Garafil para isumite ang manifestation.
Nakasilid ang manifestation sa isang malaking envelope na nasa limang pahina.
Naisumite ang dokumento kay Senate Secretary Renato Bantug Jr., bilang pagkilala ng Kamara kay Acting Senate President Sherwin Gatchalian.
Hindi naman na nagbigay ng detalye si Garafil sa nilalaman ng manifestation at sa halip ay ipauubaya na lamang sa House prosecution team ang pagpapaliwanag.
Facebook Comments










