
Nasa kustodiya na ng gobyerno ang siyam na akusado sa ₱53.9-M na flood control anonalies habang ang dalawang iba pa ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla makaraang maglunsad ng manhunt operation sa dalawang nalalabing akusado.
Aniya, personal na pinangunahan ang pagbabalik ng warrants of arrest para sa Regional Trial Court (RTC) Branch 20 sa Malolos City, Bulacan.
Ang mga akusado ay nahaharap sa isang count ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at isang count ng Malversation of Public Funds o Property Through Falsification of Public Documents sa ilalim ng Revised Penal Code.
Sinabi ni Remulla na ang dalawang patuloy na pinaghahanap ay sina Ernesto Galang at Lorenzo Pagtalunan na sangkot sa anomalya.
Ang mga inaakusahan sa flood control kickback scheme na nasa custody ng gobyerno ay sina Merg Jaron Caparas Laus, Brice Ericson Diaz Hernandez, Jaypee De Leon Mendoza, Norberto De Leon Santos, Juanito Coronel Mendoza, Floralyn Yutuc Simbulan, Ma. Roma Angeline Discaya Rimando, Cezarah Rowena Cruz Discaya, at Pacifico “Curlee” F. Discaya II.
Sinabi ni Remulla na naibalik na sa korte ang mga arrest warrants nina Curlee Discaya, Laus, at Santos.










