HULI! | Isang magnanakaw, timbog sa Malabon City

12

Malabon City – Timbog ang isang miyembro ng akyat bahay sa M.H. Del Pilar Sevilla compound, Barangay Maysilo, Malabon City.

Kinilala ang suspek na si Romark Plaza, 18-anyos, residente ng Valenzuela City.

Ayon sa biktimang si Anniely Flores Espiritu, bigla nalang pumasok ang suspek sa loob ng kanyang bahay saka kinuha ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P8,000.00.

Agad nakapagsumbong ang biktima sa mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek kung saan nabawi naman ang ninakaw nitong cellphone.

Facebook Comments