MAY FOREVER | Ariana Grande, engaged na!

17

Hollywood – Engaged na ang singer na si Ariana Grande sa kaniyang boyfriend na si Pete Davidson.

Sa post nito sa kaniyang twitter account, kinumpirma ng 24-anyos na singer ang nasabing balita.

Kilala si Pete Davidson sa pagganap nito sa US Sketch Show na Saturday Night Live kung saan opisyal niyang inamin ang pakikipag-relasyon kay Ariana noong Mayo 30.

Matatandaan na nakarelasyon ni Ariana ang rapper na si Mac Miller habang si Pete ay nakarelasyon si Cazzie David na anak ng komedyanteng si Larry David.

Facebook Comments