Huling araw ng payout para sa educational assistance ng DSWD,maagang pinilahan sa QC

Inihayag ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maagang pinilahan ang huling araw ng payout para sa educational assistance ng ahensiya sa National Vocational Rehabilitation Center o NVRC sa Quezon City.

Isa sa mga maagang pumila ay ang isang second year college student na galing pang Valenzuela City.

Napag-alaman na alas-onse pa umano kagabi nang pumila sila sa labas ng NVRC upang matiyak na maagang mapoproseso ang kanilang aplikasyon sa educational assistance.


Karamihan sa mga pumila ngayong ay mula pa sa Valenzuela City at noong buwan ng Agosto pa nagparehistro pero kahapon lang nakatanggap ng confirmation mula sa DSWD para sa payout.

Ayon sa DSWD, apat ang lugar para sa payout ng educational assistance sa NCR ngayong araw,kabilang ang tanggapan ng DSWD-NCR sa Gastambide
, NVRC dito sa project 4, Rise Garden Quezon City QC Hall Compound at
Las Pinas Senior Citizen Center at Heritage Homes BF resort village.

Facebook Comments