Huling araw ng voter Registration ng COMELEC-QC, dinagsa!

44

Nagmamadali ang ilang mga kabataan at mga bagong botante dahil maagang pinilahan ang huling araw ng voter registration ng Commission on Elections (COMELEC) para sa Barangay at SK Election sa SM North EDSA sa Quezon City.

Dalawa ang venue ng voter registration dito, ang North Tower 1 para sa mga residente ng District 1 at SM North Edsa Annex para sa mga residente ng District 2.

Karamihan sa mga maagang pumila ay mga kabataan na unang beses boboto para sa SK elections.


Sinamahan pa ng mga magulang ang mga kabataan para magparehistro ngayong araw.

Habang, ang mga naunang pumila ay kahapon pa pumila at dito na natulog at nagpalipas ng magdamag.

Ayon sa mga tauhan ng COMELEC, 800 lamang ang quota o ang mga papayagan na makapagparehistro ngayong araw.



Facebook Comments