Binanggit sa Draft Ordinance No. 15-26 ang unauthorized drag racing, speed contests, exhibition driving at iba pang mapanganib na aktibidad gamit ang mga sasakyang de-motor sa mga pampublikong kalsada, highway at mga ruta sa bayan.
Batay sa ulat, gaganapin ang public hearing alas-10 ng umaga nitong Setyembre 21, 2026.
Kabilang sa mga mungkahi ng publiko ang paglalagay ng malinaw na speed limit sa mga barangay road at ang mahigpit na pagbabawal sa mga motorsiklong may modified mufflers na nagdudulot ng labis na ingay.
Target nitong mapigilan ang mga mapanganib na aktibidad sa kalsada at mapalaganap ang kaligtasan ng mga motorista, pedestrian at iba pang gumagamit ng mga pampublikong daan.
Ang naturang draft ordinance ay panukala pa lamang at maaari pang mabago matapos ang public hearing. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








