*48 MOBILITY AIDS PARA SA PWDS AT SENIOR CITIZENS SA DAGUPAN CITY, IBINIGAY BILANG BAHAGI NG SAFENET FOR MOBILITY*

Kabuuang 48 mobility aids ang ibinigay sa mga Persons with Disabilities (PWDs) at senior citizens sa Dagupan City, bilang bahagi ng programang SafeNet for Mobility.

Kabilang sa mga binigay na mobility aids ang wheelchair, cane, at walker.

Batay sa ulat, nagmula ang mga naturang gamit sa Department of Health (DOH), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at City Health Office (CHO).

Isinagawa ang turnover noong Setyembre 14 bilang bahagi ng “Handog ng Pangulo, Serbisyong Sapat Para sa Lahat.”

Pinangunahan ang turnover kasama si DOH Center for Health Development Region I Director Dr. Helen Tobias, katuwang ang City Health Office at mga tauhan ng DOH at CHO.

Ayon sa programa, natukoy ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Home Visit programs at pinalakas na koordinasyon sa mga tanggapan at mga barangay para matukoy ang pangangailangan ng mga PWD at senior citizens.

Sa kabuuan, 48 wheelchair, cane, at walker ang naihatid bilang suporta sa mobility at pang-araw-araw na pagkilos ng mga benepisyaryo sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments