HUNYO 20, IDINEKLARANG SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY SA DAGUPAN CITY

20
Idineklarang special non-working holiday ang Hunyo 20 bilang pagdiriwang ng ika-75th araw ng pagiging charter city nito.
Nangangahulugang itong walang pasok ang mga opisina ng City Government ng lungsod.
Sa Proclamation No. 1398 na pinirmahan ni Executive Secretary ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Salvador Medialdea nakasaad na ang araw ng Lunes ay isang special non-working holiday sa lungsod at binibigyan ng pagkakataon ang mga Dagupeño na makiisa sa nasabing pagdiriwang.

Alinsunod ang pagdiriwang sa Republic Act 170 ni Speaker Eugenio Perez na pinirmahan ni dating Pangulong Manuel Roxas taong 1947 ika-20 ng Hunyo.
Nilagdaan ang proklamasyon ngayong araw Hunyo 17, 2022. | ifmnews
Facebook Comments