Sinimulan sa pamamagitan ng Banal na Misa ang paggunita sa Araw ng mga Kaluluwa o All Souls’ Day sa Alaminos City ngayong Nobyembre 2, na sinundan ng pagbabasbas sa mga puntod ng mga yumaong mahal sa buhay.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Randy Sison ang misa ngayong umaga bilang bahagi ng pag-alala at pagdarasal para sa mga pumanaw.
Matapos ang banal na misa, isinagawa ang pagbabasbas sa mga puntod sa sementeryo, kung saan nagtipon ang mga pamilya upang dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Samantala, naging bahagi rin ng mga aktibidad sa lungsod ang OUTBREAK: THE ZUMBIE o Zumba Dance and Survival Run na nagsimula sa Lucap Baywalk hanggang Lucap Wharf.
Inorganisa ito ng City Sports and Youth Development Office katuwang ang Samahang Alaminian Youth Organization. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










