Nagsagawa ang Carael National High School (CNHS) ng Simulation Drill on Active Shooting Incidents upang ihanda ang mga mag-aaral sa tamang pagtugon sa mga insidente ng pamamaril sa loob ng paaralan, alinsunod sa mandato ng Department of Education (DepEd) na palakasin ang kaligtasan at kahandaan ng mga paaralan sa panahon ng emerhensiya.
Sa pamamagitan nito, nabigyan ang mga estudyante at guro ng sapat na kaalaman at gabay sa tamang kilos at pagdedesisyon sa mga ganitong sitwasyon.
Nakiisa sa naturang gawain ang iba’t ibang ahensya at sektor ng komunidad, kabilang ang PNP Station 5, mga opisyal ng Barangay Carael, Barangay Carael Security Force, SDO Dagupan City Monitoring Officials, mga opisyal ng CNHS School Parents-Teachers Association (SPTA), gayundin ang mga guro, mag-aaral, at mga kawani ng administrasyon ng paaralan.
Ang Carael National High School ay kabilang sa mga napiling pilot schools para sa implementasyon ng programang ito, kasama ang Pugaro Integrated School, West Central I, at Dagupan City National High School.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinatitibay ng DepEd at ng mga paaralan ang kultura ng kahandaan, pag-iingat, at pagtutulungan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mag-aaral at kawani sa oras ng anumang banta o emerhensiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










