LALAKI, ARESTADO SA PAGNANAKAW NG RELIGIOUS ITEMS SA MANAOAG

Arestado ang isang 32-anyos na lalaki matapos maaktuhang nagnanakaw ng mga religious article sa isang tindahan sa Barangay Poblacion, Manaoag, Pangasinan bandang 12:10 ng madaling araw noong Mayo 11, 2026.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, dumating ang 53-anyos na biktima sa kanyang stall at dito niya naaktuhang kinukuha ng suspek ang mga panindang religious item.

Agad itong humingi ng tulong sa mga awtoridad na nagresulta sa mabilis na pagkakaaresto ng suspek.

Sa isinagawang body search, narekober mula sa suspek ang iba’t ibang religious items na tinatayang nagkakahalaga ng ₱7,600.

Kabilang dito ang mga estatwa, rosaryo, pendant, lucky charm, at iba pang religious articles.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments