IBAYONG PAG-IINGAT SA GITNA NG EPEKTO NG HABAGAT, IPINAALALA SA MGA RESIDENTE SA PANGASINAN

Mahigpit na pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang mga residente sa Pangasinan na mag-ingat ngayong patuloy ang pag-ulan dulot ng Habagat.


‎Ayon sa Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, kung wala namang mahalagang gawain sa labas ng bahay, mas mainam na manatili muna sa loob upang matiyak ang kaligtasan.

‎Pinapayuhan din ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, lalo na’t madulas ang mga kalsada at may ilang potholes o lubak na hindi pa naaayos.

‎Samantala, muling iginiit ng Pangasinan PDRRMO ang kahalagahan ng pag-iingat ng bawat isa habang nananatiling mataas ang lebel ng tubig-baha sa ilang lugar sa lalawigan.

‎ ‎Hinihikayat ang publiko na patuloy na makinig sa mga abiso ng mga awtoridad at manatiling alerto sa posibleng pagbabago ng lagay ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments