ILANG KALSADA SA MANGATAREM, HINDI PA MADAANAN NG MGA SASAKYAN

‎Ilang kakalsadahan sa mga barangay ng Mangatarem ang hindi madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan batay sa tala ng lokal na pamahalaan noong Setyembre 6, 2026.

‎Kabilang sa mga lugar na hindi madaanan ang mga kalsada sa Barangay Bogtong Silag, Bunlalacao, Dorongan Linmansangan, Pogon Aniat, at Pampano.

‎Dahil dito, nagbigay ng abiso ang mga awtoridad sa mga motorista na iwasan ang mga naturang ruta at gumamit ng alternatibong daan.

‎Samantala, passable sa lahat ng uri ng sasakyan ang mga barangay road sa Dorongan Valerio, maliban sa Purok 3, na hindi madaanan ng mga lowered vehicle. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments